Material Recovery Facility (MRF)
Ang Material Recovery Facility (MRF) - Alternative Solid Waste Processing Technology ng Polangui ay matatagpuan sa Sityo Luya, Barangay Gamot, Polangui, Albay.
Ang Centralized Sanitary Landfill ay may kabuuang sukat na 10 ektarya, kung saan 1 ektarya ang nakalaan sa mga pasilidad ng MRF, at ang natitirang 9 na ektarya ay nakalaan para sa pagpoproseso ng basura at para sa tanimang pamproduksyon ng pagkain sa ilalim ng Municipal Agriculture Office.
Mahigit Php 38 million o tatlumpu't walong milyong piso ang total badyet na inilaan ni Mayor Andy A. Mariscotes at ng Pamahalaang Bayan ng Polangui mula sa General Fund-Supplemental Budget No.1 o pangkalahatang pondo na bumubuo sa 20% Local Development Fund (LDF) o dalawampung porsyento ng pondo para sa lokal na kaunlaran upang mabili ang 10 ektaryang lupa at maipagawa ang Pasilidad ng MRF.
Mahigit Php 34 million ang halaga ng pasilidad ng MRF. At Php 4 million ang halaga ng purchase of lot o pagbili ng lupa sa Barangay Gamot. Kaya total halaga ng proyekto ay mahigit Php 38 million.
Ayon kay Municipal Planning and Development Office (MPDO) Engr. Judith Bertillo, nagkaroon ng re-alignment ng budget para sa mga programang pang-imprastruktura batay sa ipinasang Municipal Development Council (MDC) Resolution No. 04, s. of 2019 upang maisakatuparan ang mga prayoridad na proyekto ni Mayor Andy A. Mariscotes sa bayan ng Polangui.
- Fencing and Site Security (with CCTV)
- Material Recovery Facility Building
- Special Waste Storage Vault
- Interior and Exterior Access Road
- Drainage System
- Administrative Building with CR & Bath
- Guard House
- Gen Set House
- Rainwater Harvesting Technology
- Parking Shed with Wash Bay
- Motorpool and Storage Area
- Others: Transfer of Technology
Ang Waste Storage ang nagsisilbing imbakan ng mga used oil o gamit ng langis.
Ang Composting Storage Area ang lagayan ng finished product na bricks, hollow blocks at fertilizer o pataba na hinaluan ng lupa para magamit ng mga magsasaka sa kanilang pananim.
Ang MRF ang lugar kung saan ang mga biodegradable o nabubulok na basura ay pinoproseso para maging fertilizer.
Kumpleto sa mga equipment o kagamitan ang MRF tulad ng Conveyor, Boiler, Shredder, Mixer, Composter, at Brick Maker.
Magsisimula ang proseso sa pagsegregate o paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok na materyales.
Ikalawa, ilalagay ang mga nabubulok na materyales sa Conveyor o rampahan, tapos ay sasailalim ito sa proseso ng shredding o paggutay-gutay, sorting o paghihiwa-hiwalay. Manwal ang ibang proseso hanggang sa maisagawa ang Water Treatment o pagpapalinis ng tubig.
Ayon kay Mechanical Engineer Edgar Basco at Sight Supervisor Cris Dimasaca, mula sa private contractor na Gem Tech, inaasahan na may kapasidad na gumiling ng isang toneladang nabubulok na basura o 1 ton capacity sa loob ng 8 hours o walong oras hanggang sa maiproseso ito na maging solid fertilizer o pataba sa lupa.
Maliban na lamang sa mga hazardous waste o delikadong mga basura ay hindi pa kaya gilingin ng MRF.
Kuryente na lamang ang kailangan para magsimula ang operasyon ng MRF.
Mayroong 4 na Dump Truck ang LGU Polangui na nangongolekta ng basura sa araw-araw at dinadala ito sa MRF para iproseso.
Ang Materials Recovery Facility ang kauna-unahang proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Polangui na hindi inutang. Ito ang sagot sa dekada nang problema ng mamamayan ng Polangui sa basura at polusyon sa kapaligiran na nabigyan ng solusyon ni Mayor Andy A. Mariscotes.
Sa kasaysayan ng Polangui, matatandaan na nasampahan ng kaso at suspendido sa tungkulin ang ilang opisyal ng Polangui dahil sa kawalan ng sanitary landfill at paglabag sa RA 9003 Solid Waste Management Act of 2000 at ng Environmental Management Bureau. Sanhi ito ng kanilang kapabayaan sa tungkulin at kabiguang panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran at pangalagaan ang kalikasan ng Polangui.
Ang hangarin ni Mayor Andy A. Mariscotes mula ng manumpa siya sa tungkulin bilang Ama ng Bayan ng Polangui ay maghatid ng Alaga At Malasakit sa mamamayan at walang maiwan sa laylayan at maipagmalaki ang bayan ng Polangui bilang Numero Uno sa buong Albay sa larangan ng kalinisan, pangangalaga sa kalikasan, kagandahan, kasaganaan, kaunlaran at turismo sa buong lalawigan.